March 21st, 2009 by croz

DeMolay ka ba?

oo. DeMolay ako.

hindi lang dapat sa pangalan nailalagay ang pagiging Molay.
hindi lang sa tawag kung bakit dapat nilang malaman kung sino ka.
hindi basta basta, kundi sana nasa puso mo rin at gawa,
ang bawat aral na itinuro sayo habang pumapasok ka pa lang.

hindi ka papasok, para lang matawag kang isang DeMolay.
at maipagmalaking “fratman” ka.

“hindi DeMolay ang gagawa ng pangalan mo,
kundi ikaw ang gagawa ng pangalan ng DeMolay.”

we have been guided by the Code of Ethics and the 7 Cardinal Virtues of our Order.
tinuro satin, ipinasaulo, ipinaexam, pinagalitan sa sandaling hindi alam ang laman.

sana maibigay padin natin sa Order, ung ilang oras ng meeting,
gaya nang pagbibigay natin ng time nung peti pa lang tayo.

sana maibigay padin natin sa Order, ung tulong natin sa mga activities,
gaya nang pagtulong natin nung mga peti palang tayo.

bakit nung peti ka? nagagawa mo ang mga bagay?

edi mas lalo na sana ngayon kung kailan tapus ka na
at mas marami ka nang kayang gawin, dahil wala nang restrictions,
wala nang pressure, at wala nang hirap at luhang tutulo
pagsapit ng alas-5.

dalawang stated lang ang meron sa isang buwan.
isa bawat dawalang linggo.

hahayaan mo na lang bang mapunta sa wala ang 6 na buwang pinaghirapan mo?
hahayaan mo na lang bang mapunta sa wala ang 90 taong pinaghirapan ng mga ninuno mo?

hindi sa DeMolay Degree natatapos ang lahat,
kundi dun pa lang tayo nagsisimula.

hahayaan mo na lang ba? o tutulong ka sa pagbuo ng kasaysayan nito?

ipagpatuloy ang magandang nasimulan.
ipagpatuloy ang 90 taong kagalingan, at sarap ng pagsasamahan!

DeMolay, 90 years na tayo!

——————————

Rieon Dran Alicdan Carreon, PMC, Chev.
Order of DeMolay - Baguio Chapter
sponsored by Baguio Lodge No. 67 F. & A.M.

For God, for country, for DeMolay.

lipad.

June 29th, 2008 by croz

patuloy akong lumipad sa pinakamalayong kayang abutin ng lakas ko,
pagkatapos sagipin ang mga taong di ko man lang kaanu-ano,
makapagpahinga man lang saglit,
kapiling ang mga kapwa kong lumilipad din sa himpapawid.

nang mapawi ang pagod na nararamdaman,
sakto namang may liwanag na naanigan,
patay na ba ko?
kahit ba ako ay mapupunta din dito?

hindi ata. iba ang pakiramdam ko.

tumingin siya sakin at animo’y nakita nya ang mga pagdating ko,
na hindi nakikita o nasasaksihan ng kahit na sino.
kagulat gulat na kilala nya ko.
na tipong pati sarili ko’y di alam kung sino nga ba ako.

buti na lang may kapa akong pula,
nakakilala tuloy ako ng anghel na sasama sa paglalakbay ko.

nakakilala tuloy ako ng anghel na magpapasaya ng paglalakbay na ‘to.


sana wala siyang naiwan sa mundong kanyang nilisan habang kasama niya ako.
sana patuloy siyang sumabay sa pagtahak ko ng alapaap na to.

hindi ko man maipangako ang mga bituin.
gagawin ko ang lahat mapasaya lang ang paglipad naya sa tabi ko.

she may not know..

May 24th, 2008 by croz

She may not know but her gorgeous smile strengthens me.

She may not know but the glee on her cheeks adds color to my
day.

The sweet scent of her perfume that causes my addiction,

To her simple gestures that no enough words can say.

 

She may not know but I love the way she looks.

She may not know but I feel proud every time I’m around her.

The color of her hair, and those cute ponytails she wears,

That maroon shirt she loves that first made me recognize
her.

 

She may not be aware but she’s the very person that
completes me.

The comfort I feel whenever she hugs me,

The love she shows whenever she puts her hand in mine.

I wouldn’t ask for more since I finally found her.

 

She may not know but I love the way she looks at me,

The ways she talks, the way she laughs, that’s why I miss
her so.

She, my gorgeous Miss Angeli, may not know,

But it’s her, and I do, I LOVE HER SO! c:

kalungkutan.

September 25th, 2007 by croz

KALUNGKUTAN

tila ba isang saglit lang ng pagpikit ng mga mata ko,
maraming bagay ang agad na nagbago sa paligid ko,
nagmimistulang isang panaginip na di ko na mababago?

mga tanung, at kung anu pa man ang gumugulo sa isipan,
tipong nanaisin mong mawala na lang lahat, lahat-lahat,
para maipahinga ang pagod ng isip kahit sandali.

gusto kong mapagisa, para hindi maalintala ang paggaling ko.
ngunit sa pagnanais kong iyon, baka tuluyan na kong mahulog sa kawalan,
patungo sa isang lugar na di ko alam kung saan.

natatakot ako, dahil unti-unting bumibilis at gumugulo ang ikot ng mundo ko,
nadadala nga ba ko ng hangin na dumadampi sa balat ko?

di ko nais ‘to, nagising na lang ako na magulo na ang pasilyong ito,
na pati mga tao na dumadaan sa pasilyong ito ay nagulo.

malungkot.

gusto kong magalit sa sarili ko.

pero di na maaari pang maghimutok,
di na pwede pang pumikit,
para muling maisaayos ang nasirang ako.

kailangan, at nararapat.

pasilyo, musika, kulay, at sulat.

August 25th, 2007 by croz

PASILYO

dito sa pasilyo,
kung saan dahan-dahang lumilipas ang mga minuto,
dito din kung san ka unang dumaan sa harap ko.

sugatan ako nuon,
at sa panahon na un, huminto ka para tignan ako,
nagpatuloy din na lumakad pagkatapos alamin ang lagay ko, at nagpaiwan ako.

kelangan ko kasing gamutin mag-isa ang mga sugat ko,
at di ko nanaising magamot un sa paghanap ng taong gagamot nun para sakin.

lumipas ang mga minuto,
at sa pasilyong un,
sa muli kong pagbangon,
nakita kitang dumaan ulit sa aking harapan.

pagkatapos ng ilan mong hakbang,
sumunod ako sa malayo,
paunti-unting tumitingin di dahil sa iyong kagandahan,
kundi sa pagtatanung sa sarili ko ‘anu kayang meron sa taong ito’?

humihinto sa bawat makita,
at lumilinga para tignan kung nasa ayus ba ang lahat ng nasa paligid niya,
isang anghel sa lupa, naisip ko.

nabago ang patingin ko sa pasilyo,
lumiwanag ito, at sa paggalaw kong iyon
ay mistulang nakikita ko na ang sarili ko.

na hindi ko nagawa nuon,
nanibago at ang akala kong buhay na may kulay
ay may idadagdag pa pala.

nagkaroon ng musika ang bawat hakbang ng mga paa ko,
tila ba instrumentong habang dumadampi sa sahig
ay gumagawa ng tunog na hinahanap-hanap ng pagkatao ko.

patuloy akong sumunod, at pinagmamasdan ang lakad mo,
hindi ko namalayan na ung dipa-dipang layo ko sayu noon,
ay nababawasan hanggang sobrang lapit ko na sa kinatatayuan mo.

nandito ako ngayun sa pasilyong ito,
at kung kakailanganin mo,
aalalay ako sa pagtahak mo ng daan mo.

kung hahayaan mo, nanaisin ko sanang maglakad ng malapit sayo,
baka sakaling payagan mo akong, balang araw, ay makapaglakad dyan sa tabi mo.

rigel1919

astig na summer.

June 1st, 2007 by croz

tama. heheh. astig oh, rami pagbabago.

haha, patapos na summer, at mejo okay naman since marami naman akong nagawa. hehehe. masaya ang summer na to. kahit di ako lumabas ng baguio, tama lang. saktong sakto.

bakit occasional lang ako magpost ng blog? hmmm. haha!

hehe. rami na din plano ahead. enrollment na sa lunes. at mukhang excited na kong pumasok at tapusin na para masaya. hmmm. hehehe. basta astig! magaaral na kong mabuti. dapat lang. hehe.

napasa ko pa ung kelangan kong ipasa. saya! muntik na kong malaglag. perooo astig, kasi wala ng poproblemahin! hmmm.

basta basta! ^_______^

hehe. ok na ok pa, kita nyo ung rigel sa sky?

ayus! haha!

adik. jeep. yosi. hit and run. ako. at siya.

March 7th, 2007 by croz

adik. simpleng salita, pero maraming pwedeng ipahiwatig.

maraming bagay ang lalatag sa harap mo.
bibili ka ba o hindi?
desisyon mo na kung anu ang gagawin.
pero tandaan mo ding hindi lahat ng nilatag dyan ay para sayu.
meron dyan pa nga jan,

"just nice, too damn nice!" lang.

minsan di mo rin kasi maitimpla at maitono ng tama,
marami nga daw namamataty sa maling akala,
namamatay sa sama ng loob dahil akala niya,
dot dot dot,
un bang namamatay sa maling akalang hihinto ung jeep na gusto nyang parahin,
etong si loko sa harap mismo nung jeep pumara,
ayun,
hindi hinintuan,
hit and run.

kakatawa,
pero totoo,
akala niya kasi hihinto para sa kanya,
di pala siya nakikita nung drayber na isang pasahero,
kundi isang particle na lumulutang lang sa hangin,
walang silbi, wala, wala lang.

kelan kaya icoconsider nung drayber na pasahero tong "isang particle" na to?
ikaw alam mo? magulo diba.

adik, parang yosi lang yan.
alam mong nakakasama sayo pero sige ka lang ng sige.
hithit lang ng hithit, at bili pa ng bili.
parang masukista lang.
parang gusto mo lang nasasaktan.

pero dun ka masaya,
kasi dun sa yosi ka lang nakakahanap ng saya,
ng simpleng ligaya.

parang nagpahagip ka sa jeep ng ilang beses,
sa pagbabakasakaling,
ung isang particle sa hangin na ikaw ay maging isang ganap na pasahero dun sa paningin nung drayber.

nagbabakasakaling,
habang adik pa sya dun sa jeep,
pasasakayin siya,
para makamtan ung pinakamimithi niya.

ang simpleng saya at ngiti sa mga labi niya.

hehe.

nanjan ka lang pala?

January 2nd, 2007 by croz

i’m home!

baguio na ulit, sa isang araw may pasok na ulit ako, balik aral, balik libro.

belated merry christmas at happy new year nga pala sa lahat!

ok naman ang bakasyon, pero dahil bakasyon nga, marami kang mga bagay na di nagawa, tatakbo daw kahit ilang laps lang, lumamon lang naman, hehe.

masaya ang pasko ko, kumpleto naman, kahit single, wala namang gastos, haha, at eto tamang gago padin. pati new year patok! woohoo. haha. ewan ko ba, basta masaya. sana nga di un ung last time, next year ulit noh? hehe. kumpleto parehong holiday dahil dun sa isang star sa langit. hehehe. inside joke na 2 tao lang ang nakakaalam e, cge lang.

hehehe, naku naku. salamat huh? kahit simpleng mga bagay sapat na para makumpleto mo ung buong 2006 ko.

"cool talaga. nanjan ka lang pala. ^_^"

would you sing for me? kahit ung tugtog lang ng buhay ko, para naman magkatono kahit papano. naks. hehe.

4 days na lang pala?

December 20th, 2006 by croz

haha.

napatingin ako sa calendar ng fon ko, (hitech na ngayun, hindi na kalendaryo) december 21 na pala. haha, biruin mo un, apat na araw na lang pala pasko na.

pero bat parang di parin magpapasko, haha, un lang, kahit nakatayo na ung christmas tree namin dito sa bahay at dumadagundong ang bahay sa christmas songs eh parang normal day lang. haha. ewan.

pero masaya naman. ukey naman ang mga bagay-bagay.

i dunno. kahit nung pasiklaban sa up nung 15, saka lang pumasok sa isip ko na christmas break na pala, at un na ung matagal ulit kaming di magkikita ng mga kasama ko, saka lang pumasok sakin nung patapos na. o dba. haha.

bukas. bukas ng madaling araw bababa na ulit kami ng olongapo. dun kami magspespend ng christmas, pati new year dun nadin. hehe. ayun. pero baka maaga kami aakyat, since january 3 ang pasukan ni pags. tas sa january 4 naman samin, tas sa 5 may naghihintay sakin na exams.

ang kaibhan lang sa pagbaba ko nito eh, wala ng iisipin pa.

konti-konting dinadaanan lang ako ng mga araw, na parang mga taong dumadaan lang sa buhay ko, un bang dadating tas aalis din, hehe. ganun.

last blog entry for the year ko to. next year ulit.

happy holidays sa lahat!! ^_^

tungkol sa sunog at mga hayop..

October 6th, 2006 by croz

bulok talaga ang sistema!!

nakita ko kasi ‘tong news sa tv kanina,  nakakabadtrip, nakakagago! shet!

may sunog sa Taytay kaninang umaga, patay ung 6 na bata sa loob nito, 3 lang ang nakaligtas. wala kasing matanda dun kasi,nasa Campo Crame ang parehong magulang due to drug pushing. at dahil nga muslim sila, inililibing na agad ang mga bangkay bago magtakip silim.

humingi ng pagkakataon ang pamilya ng mga nasawi, tinulungan pa ng Mayor ng lugar, pero ang nakakagago dito, hindi pinayagang makalabas ung 2 magulang para makita man lang ang bangkay ng mga anak nila! shet yon, di naman aabutin ng isang araw un dba, masilip man lang sana nila ung mga anak nila!

oo, may kasalanan nga sila, pero hindi naman ganoong kabigat para di man lang bigyan ng ilang oras na laya! baket nung si erap nung namatay si FPJ??

porque ba hindi sila kilalang tao kaya ganito na lang?!

mga putangina kayo jan, kung sino man kayo!!

maranasan niyo sana ang dinadanas nila ngayon!!

kinayo!!!!!!!

===========

http://newsinfo.inq7.net/breakingnews/metroregions/view_article.php?article_id=25109

AN hour-long fire caused by an unattended candle took the lives of six children in Taytay, Rizal east of Manila early Friday, an arson investigator said.

The children — siblings Alzaman Dahud, 7; Armad Dahud, 6; Alia Dahud, 4; Ali Dahud, 3; and Alvin Dahud, 2 — were sleeping alone in the house as their parents were earlier arrested for dealing drugs, police officer Rolando Crisostomo said. Their playmate, Manases Dioso, 9, slept with them.

The two-storey house on Bonifacio Street in Sitio Tapayan, Barangay (village) Sta. Ana, caught fire at about 2:30 a.m., according to Fire Officer 1 Conrado Napoles.

The fumes must have suffocated the children, said Napoles.

The blaze was started by a candle that the children had lit because power in the housing development in Taytay town had been knocked out by Typhoon Milenyo (international codename: Xangsane) last week, said Crisostomo.

Babylene Lanson, 15, a cousin of the five siblings, told investigators the children were all sleeping in one room on the second floor of their wooden house when the fire broke out. She said she tried but failed to open the door to save the children, Napoles said.

Two other brothers, ages 8 and 11, were sleeping at the ground floor and escaped unharmed along with Lanson.

The blaze that only reached first alarm was declared under control at 3:40 a.m., he said.

Faudsia Daud and his unnamed wife had earlier been arrested for drug-dealing, Crisostomo said.