Archive for November, 2005

na-inspire sumulat..

Wednesday, November 9th, 2005

at kamusta naman.. na-inspire naman daw akong sumulat.. haha.. nakakaaliw..

hmmm.. nag-enjoy ako sa kababasa ng mga nakasulat sa blog mo.. may mga bagay ang luminaw.. basta, kahit na ‘blank slate’.. andito pa rin ako.. biruin mo, sa bawat pagscroll ko sa mouse ko mapapangiti ako sa mga mababasa ko.. ewan.. basta, naaaliw ako, sa paraan ng pagsulat mo, sa mga insights mo, at kung pano mo tinitignan ang mga bagay-bagay.. na-inspire naman ako sa lupit nang taong ito, at sa kwentong bumubuo sa kanya.. kahit may lungkot, masaya parin..

at eto na nga, malapit ng mag-umaga, at nandito parin ako sa harap ng pc.. nagta-type dahil nakakuha ako ng muse para sumulat (oh ha! may natutunan ako sa mga hum GEs ko!).. marami akong natutunan sa araw na ito.. isa na dito na kelangan magseryoso sa mga bagay, para di naman manghinayang pagdating ng panahon.. ehehe.. anu bang mas gusto mong sabihin, buti na lang, o sayang.. hahaha, nasabi ko na ang mga yan, pero mukhang wala pa rin akong natutunan, malas.. sandali, hindi pala malas, katangahan ko ito.. haha.. at anu pa ba, at may bagsak nga ako.. di ba malupet..? theres just some things we would learn the hard way.. buhay nga naman oh..

bukod pa jan, eh meron pang mga dapat ayusin, marami pa, at mukhang madadagdagan pa.. katangahan nga naman oh, pag umiral.. sus!

pagdating ko kanina sa UP, nakabilad sa araw ang pila, tas may mga sisingit pa.. natural lang diba, ok na sana eh, biruin mo, pagdating ko sa harap, wala po ung crs mo dito, nag crs ka ba?, nak nampotchA, di nila naisave ung enlistment ko, shet.. malas, bukod na sa may 5.0 bubulagta sa mukha mo pagkatapos mabilad sa araw eh wala pa ung skedul mo at mamumuti na talaga ang buhok mo..

at un na nga, kumuha ulit ng form, para kumuha ng subjects, pag dating sa audi, wala ng slots! kung di ka nga naman sinuswerte..

tapos di mo pa maayos ung gulong pinasok mo, di mo man lang madefend ung sarili mo kasi lam mo ng ikaw ung nagkamali.. wala ka namang masising iba kundi sarili mo, ops ops, hindi malas, katangahan..

kanina, sabi ko sa sarili ko, magseseryoso na ko.. sana, dapat, kailangan.. gusto ko ng grumaduate at gawin ang mga bagay na nakagraduate lang ang pwedeng gumawa, naisip ko tuloy, magawa ko kaya ung dapat kong gawin? oo nman, madali lang naman yon, kung talaganag pagbubutihan mo lang, at kung talagang seseryosohin mo.. kung sa bagay, marami na rin akong nagawa sa buhay kong kapakipakinabang, onting asukal lang yan, timplado na..

sa ngayun, akoy matutulog muna.. maaga pa ko bukas para tapusin ang enrollment ko.. un na.. goodnight.. ingats.. ok?! ok! =)