pasilyo, musika, kulay, at sulat.

PASILYO

dito sa pasilyo,
kung saan dahan-dahang lumilipas ang mga minuto,
dito din kung san ka unang dumaan sa harap ko.

sugatan ako nuon,
at sa panahon na un, huminto ka para tignan ako,
nagpatuloy din na lumakad pagkatapos alamin ang lagay ko, at nagpaiwan ako.

kelangan ko kasing gamutin mag-isa ang mga sugat ko,
at di ko nanaising magamot un sa paghanap ng taong gagamot nun para sakin.

lumipas ang mga minuto,
at sa pasilyong un,
sa muli kong pagbangon,
nakita kitang dumaan ulit sa aking harapan.

pagkatapos ng ilan mong hakbang,
sumunod ako sa malayo,
paunti-unting tumitingin di dahil sa iyong kagandahan,
kundi sa pagtatanung sa sarili ko ‘anu kayang meron sa taong ito’?

humihinto sa bawat makita,
at lumilinga para tignan kung nasa ayus ba ang lahat ng nasa paligid niya,
isang anghel sa lupa, naisip ko.

nabago ang patingin ko sa pasilyo,
lumiwanag ito, at sa paggalaw kong iyon
ay mistulang nakikita ko na ang sarili ko.

na hindi ko nagawa nuon,
nanibago at ang akala kong buhay na may kulay
ay may idadagdag pa pala.

nagkaroon ng musika ang bawat hakbang ng mga paa ko,
tila ba instrumentong habang dumadampi sa sahig
ay gumagawa ng tunog na hinahanap-hanap ng pagkatao ko.

patuloy akong sumunod, at pinagmamasdan ang lakad mo,
hindi ko namalayan na ung dipa-dipang layo ko sayu noon,
ay nababawasan hanggang sobrang lapit ko na sa kinatatayuan mo.

nandito ako ngayun sa pasilyong ito,
at kung kakailanganin mo,
aalalay ako sa pagtahak mo ng daan mo.

kung hahayaan mo, nanaisin ko sanang maglakad ng malapit sayo,
baka sakaling payagan mo akong, balang araw, ay makapaglakad dyan sa tabi mo.

rigel1919

Leave a Reply