lipad.
Sunday, June 29th, 2008patuloy akong lumipad sa pinakamalayong kayang abutin ng lakas ko,
pagkatapos sagipin ang mga taong di ko man lang kaanu-ano,
makapagpahinga man lang saglit,
kapiling ang mga kapwa kong lumilipad din sa himpapawid.
nang mapawi ang pagod na nararamdaman,
sakto namang may liwanag na naanigan,
patay na ba ko?
kahit ba ako ay mapupunta din dito?
hindi ata. iba ang pakiramdam ko.
tumingin siya sakin at animo’y nakita nya ang mga pagdating ko,
na hindi nakikita o nasasaksihan ng kahit na sino.
kagulat gulat na kilala nya ko.
na tipong pati sarili ko’y di alam kung sino nga ba ako.
buti na lang may kapa akong pula,
nakakilala tuloy ako ng anghel na sasama sa paglalakbay ko.
nakakilala tuloy ako ng anghel na magpapasaya ng paglalakbay na ‘to.
sana wala siyang naiwan sa mundong kanyang nilisan habang kasama niya ako.
sana patuloy siyang sumabay sa pagtahak ko ng alapaap na to.
hindi ko man maipangako ang mga bituin.
gagawin ko ang lahat mapasaya lang ang paglipad naya sa tabi ko.