October 4th, 2006 by croz
musta ka na?
crap!
sabay sabay na lang lahat, badtrip.
kinanamet! shet.
blog ko kung saan ako laging nagpopost.. ^_^
http://www.youtube.com/user/crozpogi
cRoz Magic Videos, tripping ng walang magawa, hehe..
do check me out.. ^_^
yeah..!
—–
ye, mmmmm… love you love you.. ^_^
ummmwah!!
at kamusta naman.. na-inspire naman daw akong sumulat.. haha.. nakakaaliw..
hmmm.. nag-enjoy ako sa kababasa ng mga nakasulat sa blog mo.. may mga bagay ang luminaw.. basta, kahit na ‘blank slate’.. andito pa rin ako.. biruin mo, sa bawat pagscroll ko sa mouse ko mapapangiti ako sa mga mababasa ko.. ewan.. basta, naaaliw ako, sa paraan ng pagsulat mo, sa mga insights mo, at kung pano mo tinitignan ang mga bagay-bagay.. na-inspire naman ako sa lupit nang taong ito, at sa kwentong bumubuo sa kanya.. kahit may lungkot, masaya parin..
at eto na nga, malapit ng mag-umaga, at nandito parin ako sa harap ng pc.. nagta-type dahil nakakuha ako ng muse para sumulat (oh ha! may natutunan ako sa mga hum GEs ko!).. marami akong natutunan sa araw na ito.. isa na dito na kelangan magseryoso sa mga bagay, para di naman manghinayang pagdating ng panahon.. ehehe.. anu bang mas gusto mong sabihin, buti na lang, o sayang.. hahaha, nasabi ko na ang mga yan, pero mukhang wala pa rin akong natutunan, malas.. sandali, hindi pala malas, katangahan ko ito.. haha.. at anu pa ba, at may bagsak nga ako.. di ba malupet..? theres just some things we would learn the hard way.. buhay nga naman oh..
bukod pa jan, eh meron pang mga dapat ayusin, marami pa, at mukhang madadagdagan pa.. katangahan nga naman oh, pag umiral.. sus!
pagdating ko kanina sa UP, nakabilad sa araw ang pila, tas may mga sisingit pa.. natural lang diba, ok na sana eh, biruin mo, pagdating ko sa harap, wala po ung crs mo dito, nag crs ka ba?, nak nampotchA, di nila naisave ung enlistment ko, shet.. malas, bukod na sa may 5.0 bubulagta sa mukha mo pagkatapos mabilad sa araw eh wala pa ung skedul mo at mamumuti na talaga ang buhok mo..
at un na nga, kumuha ulit ng form, para kumuha ng subjects, pag dating sa audi, wala ng slots! kung di ka nga naman sinuswerte..
tapos di mo pa maayos ung gulong pinasok mo, di mo man lang madefend ung sarili mo kasi lam mo ng ikaw ung nagkamali.. wala ka namang masising iba kundi sarili mo, ops ops, hindi malas, katangahan..
kanina, sabi ko sa sarili ko, magseseryoso na ko.. sana, dapat, kailangan.. gusto ko ng grumaduate at gawin ang mga bagay na nakagraduate lang ang pwedeng gumawa, naisip ko tuloy, magawa ko kaya ung dapat kong gawin? oo nman, madali lang naman yon, kung talaganag pagbubutihan mo lang, at kung talagang seseryosohin mo.. kung sa bagay, marami na rin akong nagawa sa buhay kong kapakipakinabang, onting asukal lang yan, timplado na..
sa ngayun, akoy matutulog muna.. maaga pa ko bukas para tapusin ang enrollment ko.. un na.. goodnight.. ingats.. ok?! ok! =)
RePOST lang..
http://sublimeonline.blogspot.com/2004/12/buhay-demolay.html
———-
dami ka maririnig sa mga brods na na mas madali pa pag petitioner kesa maging demolay..
totoo nga ba?sa akin totoo..haaaay buhay demolay..
pag peti ka pa lang..cge aral lang..memorize..isip ng sayaw..etc..
pag brod ka na ang daming responsibilidad..minsan naisip ko bakit nga ba ko napasok dito?
hindi naman ako nagsisisi, naisip ko lang yung mga araw na di pa ko demolay..
may mga nabago din kasi sa buhay ko..dati stay ka lang sa bahay pag linggo..
ngayon kinakain pa yung araw ng pahinga mo na lang sa buong linggo..
eto ang palagay ko na nakaka-relate ang mga brods na may gf..
oh di ba?kung maayos dati ang relationship niyo, ngayon tumatabingi na..at yung iba lubog na ang kanilang relationship..wala na talaga..
ganoon din sakin..muntik na kami lumubog, sa pagkaramdam ko palubog pa lang..tsk tsk
pumasok pa din ako knowing the consequences of my actions..ang unang naisip ko, when i want something i should give up something also, if it requires me..
mga brod, ginusto natin ang pagpasok sa demolay..wala namang namilit, hindi ka naman kinulit..
pinaku-quit nga tayo habang peti pa lang tayo di ba?
bakit nga ba tayo pumasok? kasi gusto natin..ganoon lang ba yon?..
may mga kaakibat na rason ang isa’t isa sa atin..
kahit alam kong may mababago..sige tuloy pa din..kahit may magbago na pangit, alam kong may magbabagong maganda sa buhay ko..
"life is full of sacrifices.." ika nga..dito sa atin, halos puro oras ang kailangan natin ibigay..
mababawasan oras sa pamilya natin, sa mga gf natin, sa kung kani-kanino..sa huli malalaman din natin, yung mga oras na binigay natin tayo din ang makikinabang..
yung mga pamasaheng ginastos natin, yung mga gabing late na tayo nakakauwi, yung mga nakakabwisit na traffic na nadaanan natin, yung nakakapagod na biyahe, yung gasolina..
wag na natin pang isipin yung mga chong..
isipin na lang natin investment natin yun in the future..tayo din ang makikinabang..
lets see it this way brothers..
ngayon nagsakripisyo tayo..siguraduhin natin na di mapupunta sa wala ang mga paghihirap natin..
kung ano man ang layon natin sa buhay..pilitin natin makamit..
sa paghihirap natin tayo natututo..kung nadapa man tayo sa mga daan na tinatahak natin..tayo lang ng tayo..ang daan ng demolay ay malubak, mahaba, masikip, trapik, baha..lahat na
kaya kung pupukpukin natin ang mga sarili natin habang maaga, ang mga daan natin ay pawang kinumpuni na ng DPWH kahit hindi pa..sanayin natin ang ating mga sarili sa pagharap sa mga suliranin..balang araw, haharap tayo kay dad ed, dad pol at dad ramil..isang kapakipakinabang na tao..isang indibidwal na nabago sa kakapukpok at kakahasa..